Shields up ngayon ang Caritas Health Shield
Ano na ang nangyayari ngayon sa Caritas Health Shield?
Kamakailan lang, napabalita na ulit ang Caritas Health Shield sa mga pahayagan at sila ay binigyan ng CEASE AND DESIST ORDER due to FRAUD ng Insurance Commission.
Ano ang ibig sabihin ng Cease and Desist order?
Ibig sabihin, pinatigil na ng Komisyun ang pagbenta ng mga produktoo magnegosyo ang Caritas Health Shield. Ito ay dahilan sa kanilang pangit na pamamalakad ng negosyo dati - sa unauthorized swiping ng mga credit card na nireklamo na natin dati sa blog na ito at sa pagbebenta na may kaakibat na misrepresentation or pagsisinungaling.
Hindi ito ang unang pagkakataong napabalita ang Caritas Health Shield. Matatandaan natin na noong 2017, meron din silang show cause order. Kaya maganda na ipasara nalang ang Caritas Health Shield para mawala na itong mga nakakahiyang ginagawa nila.
May mga itinalagang tagabantay sa kumpanyang ito upang masiguradong sinusunod nila ang alituntunin ng Insurance Commission.
Ito ay isang panalo para sa ating mga konsyumer at ikinagagalak ko na naging pabor sa mga maralita ang desisyon ng Insurance Commission. Mabuhay kayo Commissioner Dennis Funa!
pabagsak na ang caritas health shield. good luck sa inyo.
ReplyDeleteKarma is real.. buti nga inyu
ReplyDeleteAh kaya pala
ReplyDelete