Caritas Health Shield Pinagsilbihan ng Show Cause Order ng IC
Sinilbihan ng show cause order ang Caritas Health Shield ni Commissioner Dennis Funa ng Insurance Commission. Ito'y umano dahil sa mahigit isang daang reklamo mula sa mga planholder na diumanoy nagswipe ng kanilang mga credit at debit cards ng walang pahintulot. Inaasahang sasagutin ng Caritas Health Shield ang mga paratang na ito upang malinis ang kanilang pangalan.
Ito ang link ng show cause order: Show Cause Order Issued to Caritas Health Shield
Sa Katotohanan Lang
Totoo nga bang malinis ang pangalan ng Caritas Health Shield? Hindi ba nila pinahintulutan ang ganitong uri ng pagbebenta ng kanilang mga produkto? Sa aking pagsasaliksik, matagal na nila itong ginagawa.
Ang Modus Operandi ng Caritas Health Shield
Dati telemarketing ang estilo nila. Tinatawagan muna ang kanilang target at pinapapunta sa kanilang opisina. Dati, ang pagbebenta ay ginaganap sa Palanca St., Makati City. Kaya kung makikita niyo ang halos na mga reklamo online, sa Palanca ginaganap ang kanilang modus. Sa kalaunan, dahil palagi na silang dinudumog doon, nagpasya sila na maghiwahiwalay at gumawa ng mga satellite ofices. At dahil meron na silang pera, nagpasya din silang magtayo ng pwesto sa mga mall. Malimit nalang nilang gamitin ang telemarketing na estilo kasi marami nang alam ang mga tao. Doon sa mall, nag promo marketing sila. Inienganyo nila ag mga taong dumadaan na may promo daw sila. Minsan free checkup o minsan accident insurance. Pero hindi nila ibibigay sa inyo yan ng diretsahan. Kailangang dumalo ka muna sa kanilang presentation. Kukuyugin ka ng kanilang mga tao at ipapakita sayo ang mga produkto. Minsan magsisinungaling sila regarding sa product kaya dapat maging alerto ka. Pagkatapos nun ay hihingin na nila ang credit card o debit card mo. Dapat nakikita mo palagi ang mga cards mo kasi alam nilang gamitin ang mga POS. Kaya nilang alamin kung magkano ang credit limit mo o magkano ang balance mo dun sa POS. Ginagawa nila ito para sila na ang magdesisyon kung magkano na ang isisingil sayo. Minsan sinasagad nila ang balance mo. Kaya kung kailangan, wag na wag mong ibibigay ang mga card mo. Mga hasler yan sila. Kung may frebie na ipinangako sayo, hingin mo nalang at umalis ka na. Baka umuwi ka pang luhaan.
Mas nagiging komplikado na ngayon ang mga modus kaya kailangang maging maingat tayo palagi. Mabuti nalang at merong Insurance Commission tayo na nag-aalaga ng ating kapakanan bilang konsyumer. Dati nung iba pa ang humahawak, walang nangyayari tulad ng nakita kong blog sa http://againsthmo.blogspot.com. Nauwi lang sa wala ang pinaghirapan nyang pera at minsan di pa sya sinasagot ng mga kinauukulan.
Pano po mag refund. Sabi sa akin wlang malalabas n pera sakin. Oo walang lumabas n pera kahit piso s pag open ng card. Pero may bnayaran ako ng 200 para sa processing card. Then una credit card lang ang need nila nlaman ng agent n maliit n hlga nlang ang credit card ko sbi nya d daw pwde un. Nkita nya savings ko sabi nya un nlang daw i sswipe pra sa aproval. Nung naisawipe n ng manager ung savings card ko na declard 23,385 ang na transact sakjn. Ang sabi nila na transfer lang ung pera ko at d mggalaw un. Nung napag isip ko n wala n pera ko sa savings ko andun s account nila d na pwde i wdraw un ksi nka time deposit po. Sana po matulungan nyo ako. Maibalik ung pera ko. Bgla nlang nwala sakin n prang bula. Slamat po sna mapansin nyo po
ReplyDelete